Nakalimutan ko na kung paano magsulat ng tula,
dahil ayoko nang maalala...
Ang ilang taon na sa panaginip ay ginusto kang makasama,
simula ngayon, mawawala at malilimot na...
Nakalimutan ko na kung paano magsulat ng tula,
dahil gusto ko nang makalimot...
Ang ilang taon na pinilit na iwaglit ang damdamin,
simula ngayon, aking iluluha at sana ay mawala na...
Nakalimutan ko na kung paano magsulat ng tula,
dahil masakit lang isipin...
Ang ilang taon na pagbabata ng sakit gawa ng pag-ibig,
simula ngayon, pipiliting kalimutan ka...
Nakalimutan ko na kung paano magsulat ng tula,
pinipilit kalimutan...
Ang ilang taon na iyong lihim na pagtangi sa kanya,
simula ngayon, 'di na ako masasaktan pa...
Nakalimutan ko na nga ba kung paano magsulat ng tula?
dahil ayoko nang maalala...
Ang ilang taon na pagmamahal na idinulot ay wala,
wala na... at pipiliting kalimutan ka...
Translation:
I already forgot how to write a poem,
because I don't want to remember...
All those years that in my dreams I longed to be with you,
from now on, it'll vanish and be forgotten...
I already forgot how to write a poem...
because I want to forget,
All those years that I've spent trying to set aside my feelings,
from now on, I'll cry it all out and hope it'll disappear...
I already forgot how to write a poem,
because it's too painful to think about...
All those years I've tried to contain and suppress the pain brought by love,
from now on, I'll try to forget you...
I already forgot how to write a poem,
trying to forget
All those years of your secret longing for him,
from now on, I won't get hurt again...
Have I already forgot how to write a poem?
because I don't want to remember...
All those years of loving that brought forth nothing,
it's all gone, and I'll try my best to forget you...


